Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ayaw mag-sex video, hinubaran sa kalye

0 266

Inaresto ng pulisya ang isang ina matapos nitong hatakin ang damit, halos hubaran at saktan sa kalsada ang dalagitang anak na nagpaalam na lalabas ng bahay at mabistong kinukunan ng malalaswang video at ibinebenta sa mga foreigner sa San Jose del Monte (SJDM), Bulacan kamakalawa.

Sa report ni P/Lt. Col. Crizalde Conde, SJDM City police Chief, kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang 42-anyos na ina matapos i-exploit ang di na pinangalanang 13-anyos nitong anak na babae.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na alas-11:00 ng tanghali noong Biyernes nang maganap ang insidente nang magpaalam ang dalagita sa ina na lalabas ng kanilang bahay.

Dito ay nagalit ang suspek kung saan hinatak nito ang damit at gustong hubaran ang dalagita at sinaktan pa kaya nagtamo ng sugat sa leeg.

Isang concerned citizen ang nagpasaklolo sa tanggapan ni P/Lt.Col. Conde at dito na nabisto na kinukuhanan ng malalaswang video at larawan ng kanyang ina ang teenager na anak at ibinebenta sa mga foreigner sa pamamagitan ng social media. Nabunyag din na ang nagbabayad ng malalaswang video ng dalagita ay ang banyagang dating asawa ng sariling ina. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.