Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ayaw uminom ng gamot tigok sa suntok

0 136

Patay ang apat na taong gulang na batang babae makaraang suntukin sa tiyan nang dalawang beses ng kanyang tatay dahil sa pagtangging uminom ng gamot para sa lagnat kahapon sa Quezon City.

Ang biktima ay nakilalang si Kristine Carpeso, 4-anyos, at residente ng FB De Jesus Subdivision, Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nakapiit naman na ang suspek na si Lougie Carpeso, 28, habang inihahanda na ang kasong parricide laban sa kanya.

Sa report ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit, bandang ala-1:15 kahapon ng madaling-araw, parehong nilalagnat ang biktima at isa pang nakatatandang kapatid nito kaya pilit na pinaiinom ng kanilang mga magulang ng gamot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Uminom naman umano ng gamot ang nakatatandang kapatid pero tumanggi ang batang biktima habang umiiyak.

Dahil sa galit ng tatay sa patuloy na pag-iyak ng bata ay sinuntok niya ito nang dalawang beses sa tiyan dahilan upang mahirapan itong huminga.

Nang mapansin ng mga magulang na hirap na sa paghinga si Kristine ay agad na nila itong isinugod sa Hope General Hospital kung saan ito binawian ng buhay. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.