Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak binuntis, pina-abort ni erpat

0 650

Natuldukan na ang 14 na taong panghahalay ng isang 44-anyos na ama sa kanyang anak matapos itong ipadampot noong Biyernes.

Ayon sa ulat, ipinag-utos ni Judge Avelina Jimenez Villegas, ng Regional Trial Court Branch 68 sa Lingayen, Pangasinan, ang pagdakip sa suspek (na itinago ang pangalan upang protektahan ang privacy ng biktima).

Sa Pangasinan Provincial Police Office report, dati nang nakasuhan ang suspek ng physical abuse sa pangmamaltrato sa anak bago pa isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya para naman sa pitong bilang ng rape at intentional abortion.

Nabatid na 8-anyos pa lamang daw noon ang biktima nang gawing parausan ng ama at ngayong 22-anyos ay nagkaroon ito ng lakas ng loob upang ilahad ang lahat ng kahayupan dinanas.

Ibinunyag ng dalaga na nabuntis siya ng ama at ipinalaglag sa pamamagitan ng pagpapainom sa kanya ng abortion pill.

Ginagahasa umano ang biktima habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang ina nito.

Kasama ang kanyang ina ay naghain ang biktima ng kasong rape laban sa kanyang ama, na nakakulong na sa Pangasinan Provincial Jail. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.