Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak `di binigyan ng pera, pinana ang ama

0 297

Natuhog ang isang tatay matapos itong panain ng kanyang binatang anak na hindi niya binigyan ng pera sa Tiaong, Quezon, Biyernes ng umaga.

Nakatusok pa ang bakal na bala ng pana sa tiyan ng biktimang si Demetrio Del Mundo Maliglig, 69-anyos, nang isugod ito sa ospital sa Lucena City.

Sa report ng Tiaong police, alas-7:20 ng umaga nang humingi ng pera ang suspek na si Jayson Wagan Maliglig, 18, sa kanyang tatay habang sila ay nasa kanilang bahay sa Barangay San Jose.

Nang walang maibigay ang tatay nagalit ang anak at nagtalo ang mag-ama hanggang sa kumuha ng spear gun ang binata at pinana ang matanda.

Isingugod sa ospital ang biktima na tinamaan sa tiyan habang naaresto ng mga nagrespondeng pulis ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated parricide incident at violation of RA 3553. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.