Abante Tonite Interactive

Anak hinatid sa altar kahit nakaratay

By
775

A father’s love knows no ­boundaries. Ito ang pinatunayan ng isang ama na si Pedro “Papu” Ortiz Villarin Jr. dahil sa kabila ng kanyang malubhang sakit at pagkakaratay ay sinikap pa ring dumalo sa kasal ng anak na si Charlotte noong Agosto 9 sakay ng ambulansya at nakahiga sa stretcher.

Bagama’t nagkaroon ng katuparan ang pangarap ng ama na maihatid ang anak sa harap ng altar ay binawian din ito ng buhay dahil sa pakikipaglaban sa liver cancer, tatlong araw pagkatapos ng kasal.

Sa kabila naman ng dinaranas ngayong kalungkutan ng bride ay naging masaya na rin ito dahil natupad ang pangarap ng ama na makasama ang mahal na anak sa huling araw ng kanyang pagka­dalaga.

Abante Hiring – IT dep

“That wedding is really for him ­because he wants to walk with me to the altar and ­witness my wedding,” pag­lalahad ni Charlotte.