Abante Tonite Interactive

Anak kaapelyido ng ex-misis

381

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Magtatanong lang po sana tungkol sa kaso ng anak ko. 16 years old na po siya at nasa pangangalaga ko mula pa ng maliit siya at may ibang family na po ang nanay niya.

Tanong ko lang po kung paano kung malilipat ang apelyido ng anak ko sa akin kasi apelyido ng nanay niya ang gamit niya po ngayon.Pero nung pinanganak ang anak ko ay may pirma naman po ako sa likod ng papel.

Dahil po di kami magkasundo ng nanay niya hanggang ngayon ay di ko po alam plano ang gagawin ko para maayos ang birth certificate ng anak ko. Ako naman po ang nagpapaaral sa ngayon kaya po tumagal at di naayos kakahintay ko po sa nanay niya na ayusin namin dalawa pero parang wala po siyang balak ayusin at ok na sa kaniya na apilyido anak ko lalake pa naman kawawa nman anak ko binata na.

Hingi po sna ako ng payo ninyo.
Maraming salamat po.
Fernando

Mr. Fernando,
Dahil sa ipinanganak ang bata ng taong 2001 ay hindi na applicable ang RA 9255 kung saan gagawa na lamang sana ng Affidavit to use the surname of the father ang ama kung ang nanay ay payag na gamitin ang apelyido ng ama.

Ngunit kung hindi papayag ang nanay sa ganitong sitwasyon ay hindi rin mapoproseso ang balak na magamit ng bata ang apelyido ng ama.

Ngunit may isang naging decision ang Sup­reme Court kung saan maaaring makapamili ang anak ng apelyido na gagamitin niya at hindi ang magulang ang magpapasya nito kundi ang bata mismo kung siya’y may sapat na na pag-iisip upang makapagdesisyon.

Sa kasong Grande v Antonio, G.R. No. 206248, February 18, 2014 ay maliwanag na sinabi ng Supreme Court na:

(I)n Calderon v. Republic, this Court, upholding the best interest of the child concerned, even allowed the use of a surname different from the surnames of the child’s father or mother. Indeed, the rule regarding the use of a child’s surname is second only to the rule requiring that the child be placed in the best possible situation considering his circumstances.
xxx
xxx. The clear, unambiguous, and unequivocal use of “may” in Art. 176 rendering the use of an illegitimate father’s surname discretionary controls, and illegitimate children are given the choice on the surnames by which they will be known.
Ang ibig sabihin ay aalamin ng korte kung ano ang nais ng bata na gamitin at hindi uunahin ang nais ng mga magulang kundi ang choice ng bata kung saan niya gusto siyang makilala at ang pangalawa ay kung ano ang makakabuti sa kanyang inte­rest. Sa edad na 16 ay mayroon na siyang sapat na pag-iisip upang magdesisyon kung anong apelyido ang gagamitin at hindi mahahalangan ng nanay niya kung nais ng anak mo na gamitin ang apelyido mo. Idudulog ninyo sa korte ang usapin at ang korte ang magdedesisyon sa hiling ng anak mo sa nais na gamitin na apelyido ng anak mo.
Kahit na nga ang isang lehitimong anak ay may karapatang pumili ng apelyido na nais niyang gamitin.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 / 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.