Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak na-curfew, magulang sinampolan

0 97

Sinampahan ng kasong paglabag sa City Ordinance No. 8243 or the Anti-Child Endangerment Act ang mga magulang ng tatlong menor de edad na nahuling lumabag sa curfew ordinance sa Maynila.

Sa Facebook post ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang mga nasabing bata ay na-rescue bandang alas-10:00 ng gabi habang nagpapatrulya sa C.M. Recto Ave., Tondo ang mga pulis bilang pagtugon sa strict implementation of City Ordinance No. 8647 Establishing Protection and Discipline Hours para sa mga menor-de-edad ng Lungsod mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Nabatid na ang mga menor se edad ay nasa edad 10, 13, at7. Dinala ang mga ito sa Manila Department of Social Welfare sa RASAC covered court.

Magugunitang nagbabala si Moreno sa mga magulang ng mga batang mahuhuli sa curfew hour ordinance na sila ang kakasuhan bilang mga iresponsableng guardians. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.