Abante Tonite Interactive

Anak nasaksak sa galit ng senglot na tatay

By
7

Kalaboso ang matandang lalaki na umuwing lasing nang saksakin nito sa puwet ang kanyang sariling anak matapos makipagtalo sa kawalan ng trabaho ng huli sa Lungsod ng Malabon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Malabon City Police, ganap umanong alas-otso ng gabi nang mangyari ang insidente sa mismong bahay ng mag-amang sina Rodolgo Tipay, 63 at Jimmy Tipay, 41, sa Flovi Homes V, Letre Road, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Kakauwi lamang umano ng suspek na lango sa alak nang makita ang anak at binungangaan tungkol sa kawalan ng trabaho.

Sumagot naman ng pabalang ang anak hanggang sa kumuha ng patalim ang ama at sinaksak ito sa puwet.

Naawat man ang away ay nakakulong at nahaharap sa kasong frustrated parricide ang suspek, habang inoob­serbahan sa Tondo Medi­cal Center ang biktima.