Abante Tonite Interactive

Anak ng aktres carbon copy sa nakarelasyong aktor

934

Kini-claim ng isang controversial actor na anak niya umano ang isa sa mga anak ng isang actress na identified sa isang non-showbiz partner.

Mukhang may katotohanan ang claim ng aktor dahil carbon copy niya ang bata. Makukumpirma lamang ito kung papayag ang aktres na sumailalim sa DNA test ang kini-claim na anak ng aktor. Ang problema nga lamang ay hindi on speaking terms ngayon ang actress at ang controversial actor.

***

‘Gatas’ ni Ella Cruz mabenta

Personal na inamin sa amin na magkasintahan na sina Ella Cruz at Julian Trono.

Kahit matagal na umano silang magkakilala at magkaibigan, ang extra closeness nila sa isa’t isa ay nagsimula nang sila’y magsama sa kanilang 2017 movie na “Fangirl/Fanboy”.

Pero wala umano silang sini-celebrate na specific date kung kelan naging sila. Ang importante raw ay ang pagpapahalaga nila para sa isa’t isa.

Last Wednesday evening ay magkakasama kami nila Ella, Julian at ang kanilang handler na si Patty Layson na dumayo sa hometown ni Ella sa Bustos, Bulacan.

Doon matatagpuan ang bagong tayong milk tea business ng singer-actress at dance princess, ang Tea Tops na isa sa mga dinarayo ng mga millennial customers.

Si Ella ang nanalong Best Supporting Actress for “Edward” sa recently concluded Cinemalaya Film Festival .

Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa commercial theaters sa darating na October 2.

Kiligin kina Ella at Julian at alamin kung paano nagsimula ang kanilang love story sa “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite website, Facebook account at YouTube channel bukas, Lunes sa ganap na ika-12 ng tanghali hanggang ala-una ng hapon.

Maaari ring balikan ang mga past episodes ng “Celebrity Talk” sa Abante Tonite website, Facebook account at YouTube channel anytime.

***

Kim Molina ‘di nawawalan ng proyekto

Taong 2014 nang maging lead actress si Kim Molina sa hit Filipino musical na “Rak of Aegis” playing the role of Aileen. Ka-alternate niya ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos.

Ang nasabing role ang nagpapanalo kay Kim bilang Best Actress in a Musical. Sa nasabi ring musical play nabuo ang love affair nila ng stage-actor-turned TV and movie actor-comedian na si Jerald Napoles.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkasama sina Kim at Jerald sa pelikulang “Jowable”. Isa itong sexy comedy film mula sa direksyon ng short film director at book writer na si Darryl Yap. Ito’y nakatakdang ipalabas sa darating na September 25. Tinatampukan din nina Kakai Bautista, Cai Cortez at Candy Pangilinan.

May dala-dalawa siyang hit TV series na tumatakbo ngayon, ang afternoon TV series na “Kadenang Ginto” at ang primetime series na “The General’s Daughter”. Dalawa rin ang kanyang bagong movie na kanyang pinagbibidahan, ang digital film na “Momol Nights” for iWant at ang “Jowable”.

Kung hindi nag-o-overlap ang kanyang TV series ay nakakagawa siya ng dalawang teleserye sa loob ng isang taon, isang magandang indikasyon na sobra siyang in-demand.

“Nakaka-overwhelm po,” aniya.

“Sana po suportahan ng mga manonood,” pakiusap pa niya.