Abante Tonite Interactive

Anak ng controversial actress binu-bully sa school

0 625

Masaya ang isang responsableng aktor (RA) dahil nagkaroon ulit sila ng ugnayan ng mga anak niya sa isang controversial actress (CA).

Matagal ding inilayo kay RA ni CA ang mga anak nila dahil hindi sila okey nito, pero kamakailan ay may gumawa ng paraan para magkaayos sila.
Nalaman ni RA na hindi na pumapasok ang mga anak niya sa dating eskuwelahan ng mga ito dahil binu-bully pala ang mga ito roon.

Isa sa mga dahilan ng pambu-bully sa mga bata ay ang madir ng mga ito na si CA na may pagka-war freak at nang-aaway ng mga nanay doon sa eskuwelahan.

Ayaw ng nasabing eskuwelahan ng eskandalo lalo na’t naaapektuhan din ang mga estudyante nila sa mga ganu’ng gulo, kaya hindi maganda ang reputasyon ni CA sa school ng kanyang mga anak.

Inayos ni RA ang problema at nilipat niya sa ibang eskuwelahan ang mga anak, kaya ngayon ay balik ulit ang mga bata sa pag-aaral.

Sagot ni RA ang pag-aaral ng kanyang mga anak at iba pang pangangailangan ng mga ito. Kung may mga iba pang kailangang bayaran ay si RA mismo ang nagbabayad.

May mga hirit kasi si CA kay RA na kailangang magbayad ng ganyan at ganito ng mga bata, pero may nagbilin kay RA na huwag niyang ibibigay ang pera kay CA at idiretso niya ito sa kung anumang dapat bayaran.
Sa ngayon ay maayos kausap si CA pagdating sa kanilang mga anak kaya kahit paano ay kampante si RA.

Sana lang ay tumagal ang ganitong sitwasyon na matino ang usapan nila pagdating sa mga bata dahil katahimikan lang din naman ang gusto ni RA para sa kanya at sa kanilang mga anak.

Huwag sanang sumpungin ulit ng pagluluka-lukahan at maghanap na naman ng makakaaway si CA dahil tiyak na apektado na naman si RA at ang kanilang mga kawawang anak!

PAK!!!

Meryll nangangamoy best actress kesa kay Ruby

Ang dating child star na si Louise Abuel na co-star noon ni Coco Martin sa fantaseryeng “Juan dela Cruz” ang bet naming maging Best Actor sa 2019 Cinemalaya filmfest.

15-anyos na ngayon si Louise at bida siya sa coming-of-age film na “Edward” tungkol sa isang pobreng binatilyo na halos tumira na sa ospital dahil sa ama nitong may sakit.

Best Supporting Actress naman namin si Ella Cruz na mas magaling sa “Edward” kesa sa lahat ng pelikulang ginawa nito sa Viva Films.

Natural na natural si Ella bilang jologs na dalaga na naospital dahil naaksidente. Kinainlaban siya ng bagets na si Edward at siya ang naging first love, first kiss at first sex nito.

Ang husay magmura ni Ella at bongga siya sa eksenang umiihi siya at dinayalugan niya si Louise na baka sinisilip nito ang pekp*k niya!
Si Thop Nazareno na nagdirek din ng paborito naming Cinemalaya 2017 entry na “Kiko Boksingero” ang direktor ng “Edward”.

Ang bagets na si Noel Comia Jr. ang nagwa­ging Best Actor at si Yayo Aguila ang nanalong Best Supporting Actress sa “Kiko Boksingero,” na wish naming ma-duplicate this year nina Louise at Ella sa “Edward”.

Ang dalawa pang Best Feature Film contenders para sa amin bukod sa “Edward” ay “John Denver Trending” ng very promising debuting director na si Arden Rod Condez at “F#*@bois” ni Direk Eduardo Roy Jr.

Hindi ang hinuhulaang magbe-Best Actress na si Ruby Ruiz ng “Iska” ang personal choice namin kundi si Meryll Soriano para sa “John Denver Trending”.

Akting na akting si Ms. Ruby sa “Iska” at mas magaling siya kapag suporta lang siya kesa bida, habang ang first ever Cinemalaya Best Actress na si Meryll ay effortless bilang nanay ng bidang si John Denver na biktima ng cyberbullying.

Hands down Best Supporting Actor namin si Ricky Davao na pasabog bilang klosetang ex-mayor (a.k.a. BRITHANY GAILE) na hayok sa sex sa “F#*@bois”.

Bukas ang Cinemalaya 2019 awards night sa CCP Main Theater.