Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ng dyowa, ginapang ng stepdad

0 160

Kalaboso ang isang 33-anyos na stepfather matapos nitong gahasain ang dalagitang anak ng kanyang kinakasama sa Pandi, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa report ni P/Lt. Col. Jordan G. Santiago, Chief of Police ng Pandi Municipal Police Station (MPS), nakilala ang suspek na si Edilberto Surbano, 33, na nahaharap ngayon sa kasong rape matapos ireklamo ng kanyang stepdaughter na itinago sa pangalang Neneng, 16-anyos.

Sa inisyal na imbistigasyon, mahimbing na natutulog si Neneng sa loob ng kanyang silid nang maalimpungatan nang tabihan ng kanyang ama-amahan. Pinaghahalikan at pinaghihipuan ito sa maseselang bahagi ng katawan, ginahasa hanggang sa makaraos.

Pag-uwi ng ina ay ipinagtapat ang sinapit sa suspek kaya hiningi nila ang tulong ng Pandi police kaya inaresto at nakakulong na ngayon ang suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.