Abante Tonite Interactive

ANAK NG FEMALE CELEB, DEDMA SA STEPFATHER

By
12

MAY tsikang kahit mister na ng kanilang very famous mom ang isang controversial personality, hindi pa rin pala nakiki­pagtsikahan si daughter sa kanyang stepfather.

Hindi raw inililihim ni daughter ni very ­famous mom ang bagay na ‘yon.

Marami raw sa mga kaibigan ni daughter ang nakakaalam ng bagay na ‘yon.

Mali raw ang akala ng fans na OK na OK na si controversial personality sa mga anak ni very famous mom.

Well…

***

May mga nang-iintriga na dahil kulelat ang “manok” niya sa The Voice Teens na si ­Jeremy Glinoga ay inisnab-isnab ni Sharon Cuneta ang mga kasamahan niya sa singing contest ng ABS-CBN.

Nakakapagtaka ang intrigang ‘yon dahil kilala si Sharon sa pagiging mega-PR, huh!

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Kahit sa entertainment press, bago sumagot si Sharon, madalas niyang sabihin kung gaano na niya ka-miss ang taong nagtatanong sa kanya.

Kilala rin si Sharon sa pagiging sweet at sobrang generous sa mga nakakasama niya, kaya marami ang nagtaka sa ganoong intriga.

Hindi pinalampas ‘yon ng Megastar at nag­litanya siya sa social media.

In fairness, ang ­galing magpaliwanag ni Sharon.

May punto siya kaya tigilan na ang pang-iintriga sa Megastar dahil noon pa niya sinasabi na mahal niya si Sa­rah Geronimo!