Abante Tonite Interactive

Anak ng heneral, umepal sa pag-aaresto kay Yasay

523

Tumatak kay former Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. ang umano’y pag-epal ng isang anak ng heneral nang arestuhin siya ng mga pulis sa kanyang bahay kamakalawa.

Sa Facebook post ni Yasay, sinabi nito na madami na siyang napagdaa­nan sa kanyang edad na 72 kasama na ang pagkakakulong at pagiging cancer survivor ng dalawang beses pero na-stress umano siya sa isang malisyosong report na nagsabing kasama siya sa P350 milyong scam ng mga opisyal ng Banco Filipino.

Ikinuwento nito ang umano’y pag-epal ng isang abogado na pinapa­ngalandakan na anak siya ni General Velasco na kasama ng mga pulis nang arestuhin siya at naghintay para masigurong madadala siya sa presinto. (Eileen Mencias)