Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ng male personality matigas ang ulo

0 119

Nagbunga ang pagmamahalan ng isang kilalang female personality at ng isang aktor. Hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Bitbit ng aktres ang kanilang anak nang nagkani-kanyang landas na sila.

Hindi maganda ang kanilang paghihiwalay, namayani ang galit ng female personality sa aktor, kaya matagal na hindi nakita ng ama ang kanilang anak.

Kuwento ng aming source, “Matagal na panahong hindi nakita ng male personality ang anak nila ng girl. Hindi siya pinapayagang makita ang anak niya.

“Pati ang suportang gusto niyang ibigay sa bata, e, hindi tinatanggap ng female personality. Gustung-gustong makita ng guy ang anak niya, pero palagi siyang nabibigo,” simulang kuwento ng aming source.

Pero isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay biglang tumawag ang anak ng aktor, umiiyak ang dalagita na nitong anak, nagsusumbong.

Patuloy ng aming impormante, “Natural, tinanggap ng guy ang anak niya sa bahay nila, hindi niya puwedeng pabayaan ang girl, dahil baka kung saan pa mapunta.

“Nagsumbong sa kanya ang bata, marami siyang kuwento, nakinig lang nang nakinig ang tatay sa anak niya. Masalimuot ang kuwento ng bata, kasali sa mga sumbong niya ang stepdad niya na hindi raw siya tanggap.

“Tumagal sa kanya ang girl, sinabi niya sa ex niya na nasa bahay niya ang anak nila, mainit ang ulo ng ex niya, galit na galit sa naglayas na anak nila! Sa mga panahong nasa kandili niya ang bata, e, pansin ng father na matigas nga ang ulo ng anak niya.

“Umaalis nang walang paalam ang girl, umuuwi sa oras na gusto niya, kaya natural lang na mag-alala ang male personality! Ibang klase nga ang ugali ng bagets, mahirap suhetohin!

“Nu’ng kausapin niya ang anak niya, e, siya pa ang naging masama, bumalik sa bahay ng mother niya ang girl, ang tatay niya naman ang binaligtad sa mga sumbong niya sa nanay niya.

“May kamalditahan ang batang ‘yun! Ewan kung kanino siya nagmana! Kaya bina-bash siya dahil may pagkasawsawera rin ang lokah! Ang sabi ng mga bashers, hindi na nga siya kagandahan, e, maldita pa siya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Sharon binigyan ng pera ang talent manager na walang pamasahe

Ang dami-dami palang kuwento tungkol kay Sharon Cuneta na hindi lumalabas. Puro magagandang kuwento ‘yun na hindi nanggagaling sa Megastar kundi mula sa mga taong tinulungan niya nang walang press release.

Si Daddie Wowie Roxas, manager ni Mayor Isko Moreno at marami pang ibang personalidad, ay may hindi makakalimutang karanasan kay Sharon.

“Dancer pa ako ng Blackgold nu’n, nag-rehearse kami sa show ni Sharon, nawala ang wallet ko, kaya ako na lang ang naiiwang dancer sa studio. Tinanong niya ako kung bakit.

“Sinabi ko sa kanya na nawala ang wallet ko, hindi ako makauwi, wala kasi akong pamasahe. Agad-agad, inabutan niya ako ng pera, three hundred pesos!

“Malaking halaga nu’n ang three hundred, magtatagal sa bulsa mo ang amount na ‘yun! Saka hindi naman lahat ng mga artista, e, tulad ni Sharon na tutulong sa iyo,” pag-alala ni Daddie Wowie Roxas.

May kuwento rin tungkol sa isang kilalang personalidad na pumanaw na hindi mailabas-labas sa ICU dahil walang pera ang pamilya nito. Ang Megastar din ang nagpadala nang milyon bilang pagtanaw ng utang na loob sa pumanaw.

Isang composer ang pumanaw na wala sa bansa ang Megastar, pero sa kabila nu’n, may pinag-asikaso siyang staff para ayusin ang lamay at libing ng composer. Siya ang sumagot sa lahat-lahat ng gastusin, mula sa puso ang kanyang pagtulong, hindi na ‘yun malilimutan pa magpakailanman ng pamilya ni Mr. Willy Cruz.

Ang dami-dami pang kuwento ng pagmamagandang-loob sa kanyang kapwa ng Megastar ang nakarating sa amin. Wala siyang pinipiling estado sa buhay, basta nalaman niya ang sitwasyon ay agad siyang tumutulong, hindi niya ‘yun ipinagmamakaingay.

Tama ang mga linya sa isa niyang piyesa na anuman ang maganap sa kanyang buhay ay itatayo siya ng panahon. Hindi siya nawawala sa gitna ng aksiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.