Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ng reporter timbog sa buy-bust

0 97

Kalaboso ang isang drug suspect na nagpakilalang anak ng reporter sa weekly newspaper, sa kinasang operasyon sa Barangay Sta.Cruz, Guiginto, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang hinuli na si Rodney Casipit, nasa hustong gulang, at taga-Brgy. Mabolo. Alas-6:30 ng gabi nang magkasa ng anti-illegal drug operation ang operatiba at target ang suspek na itinuturong tulak sa lugar.

Isang undercover agent ang nagpanggap na poseur buyer at nakipagtrasaksyon ang suspek. Arestado ito nang tanggapin ang buy-bust money at makuha sa pag-iingat niya ang dalawang maliit na pakete ng shabu, P500 buy-bust money at isang brown belt bag.

Umamin umano si Casipit na anak siya ng Bulacan reporter na hindi muna pinangalanan ng awtoridad at bukod sa droga ay nakitaan din ito ng press ID at sinabing nagsusulat din siya sa local newspaper sa lalawigan. Dinala siya sa crime laboratory office upang sumailalim sa drug test. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.