Abante Tonite Interactive

Anak ng Zambo mayor timbog sa droga

217

Dinakip ng mga awtoridad ang anak ng alkalde ng Midsalip, Zamboanga del Sur matapos ang isina­gawang raid sa ­tirahan nito kahapon.

Sa report, matapos madakip ang suspek na si Liwaya Paras, anak ni Midsalip, Zamboanga del Sur Mayor Leonida Angcap ay nakuha rin sa pag-ii­ngat nito ang tinatayang P120,000 halaga ng droga.

Bukod sa batang Angcap ay kasamang tinimbog ang live-in partner nitong si Leander Lumantas matapos silang salakayin sa bahay ng una sa Oroquieta City.

Nakuha sa pag-iingat ni Paras ang 15 pakete ng shabu, 3 armas at mga bala.

Sa ulat ay sinasabing kabilang sa listahan ng mga narco-politiko ang nabanggit na alkalde ng nabanggit na lugar.