Abante Tonite Interactive

Anak ni Bato sisipain sa PNPA?

By
1,689

Namimiligrong masipa sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang nag-iisang anak na lalaki ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ito ay nang mapabilang sa listahan ng deficient cadets si Rock Commandante dela Rosa.

Ayon sa dokumento, ang batang Dela Rosa ay nagkaroon ng deficient sa subject na Comm. Arts at CJS para sa second semester ng school year 2017-2018.

Abante Hiring – IT dep

Unang kinuha ni Rock ang kursong Business Administration subalit nagbago ng isip at nagdesisyon na sundan ang yapak ng kanyang ama.

Ito ang unang taon ni Rock sa PNPA kung saan proud pa man din ang ama niyang si Bato nang pumasok noong nakaraang taon.

Nagtapos ang matandang Dela Rosa sa prestihiyosong Philippine Military Academy (PMA) kung saan kabilang ito sa Batch ’86 Sinagtala class.

Sinikap ng Tonite na hingan ng reaksyon si Bato sa nasabing isyu su­balit hindi ito makontak habang sinusulat ang balitang ito.