Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ni Claire dela Fuente damay: Mga suspek sa Christine rape-slay bangag

0 6,283

Ibinunyag ng matalik na kaibigan ng pinatay na flight attendant na si Christine Angelica `Aica’ Dacera na bukod sa mayroon pang pitong kalalakihang nakasama ang biktima sa New Year’s Eve party sa City Garden Hotel sa Makati City ay hinihinalang bangag din ang mga ito kung saan pati ang biktima ay sinasabing pinilit nilang mag-droga.

Ayon kay Danna Rose Socaoco, 23, best friend ng biktima, nalaman nila kay Rommel Galido, kasama ni Dacera sa party, na may nakasama pa silang pitong lalaki sa Room 2207.

Habang si Dacera at 11 niyang kaibigan naman ay nasa Room 2209, na katabi ng kuwarto ng pitong hindi pa nakikilalang lalaki.

“One of the people with Aica introduced them to the men na ‘bisexuals’ daw. Apparently, he knows them. So they mingled with her and other friends,” ani Socaoco, na kino-quote si Galido.

Dagdag ni Socaoco, naka-chat pa ng nobyo niya si Aica bago ang pagkamatay nito at sinabing nakikipag-party siya sa mga “gay” friend at nagbiro pa raw ito na mas “kilos babae” pa sa kanya.

Nabanggit din umano ni Aica na isa sa mga kaibigang kasama nito ang pinasusubok siya ng droga.

“Aica told my boyfriend and I that one of her friends want her to try illegal drugs. We told her to stay away from him because he is a bad influence. The guy was also there in the party,” ani Socaoco.

Anak ni Claire dela Fuente damay

Matapos masangkot ang anak, iginiit ng beteranang singer na si Claire dela Fuente na hindi ito nagtatago kasabay ng apela sa mga netizen at sa ina ni Christine na huwag husgahan at i-trial by publicity ang anak niyang si Gregorio Angelo de Guzman at iba pang suspek.

“I feel sorry for her. Naintindihan ko totally ang nararamdaman niya, ‘yung rage, I understand that. Sobrang masakit para sa isang ina ang mawalan bigla ng anak. Di ko rin kakayanin,” pahayag ni Dela Fuente sa tv interview nitong Martes.

Tatay Digong hustisya kay Christine!

Humihingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“President Duterte nananawagan ako. Tatay Digong, kung puwede po tulungan mo ang anak ko. Ayaw kong mangyari pa sa iba ang ginawa nitong mga p***** i**** sa anak ko. Save my daughter. Give justice to Christine. Give justice to Cristine. Wala na ang anak ko tatay Digong. Tatay Digong tulungan mo ako,” ang umiiyak na panawagan ni ginang Dacera.

Suspek sa rape-slay pinakawalan

Sumuko na kahapon sa pulisya ang isa sa siyam na lalaking pinaghahanap sa rape-slay case.

Subalit matapos ang pagsuko at dumating ang kanyang abogado ay pinakawalan din ng pulisya si Rey Ingles.

Nabatid na kinuwestyon din ni Ingles ang teknikalidad ng pulisya dahil hindi umano siya maaaring arestuhin nang walang warrant of arrest at ang kaso laban sa kanya ay isinampa na sa Makati City Prosecutor’s Office.

Pacquiao may P500K pabuya

Magbibigay si Senador Manny Pacquiao ng P500,000 reward para mahuli ang mga suspek sa panghahalay kay Dacera.

Ani Pacquiao, personal niyang kakilala ang pamilya Dacera dahil nagmula rin ang mga ito sa General Santos City. Dagdag niya, nagkakilala na rin sila noon ni Christine.

Travel alert, 72-oras ultimatum

Tiniyak din ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magbabantay ang Bureau of Immigration (BI) upang hindi makalabas ng Pilipinas ang pinaghahanap pang mga suspek.

Nagpalabas na rin ng 72-oras na ultimatum si PNP Chief Police General

Debold Sinas para sumuko ang mga suspek. (Aileen Taliping/Nancy Carvajal/Vick Aquino/Edwin Balasa/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.