Abante Tonite Interactive

Anak ni Coco naungkat kay Anne

1,656

“Little Dyosa” at “Anak ng Dyosa” ang tawag ng ilang netizens sa baby girl nina Anne Curtis and Erwan Heussaff. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita nila sa publiko today, April 3.

Nag-post si Anne ng picture ni Dahlia who turned one month last April 2.

“Yesterday, we celebrated her 1st month of life. We love you our little Dahlia Amélie. Hoping this brings a smile to your face today,” caption ni Anne sa larawan.

Naka-side view si baby Dahlia sa larawan pero gayunpaman ay kitang-kita na kung gaano ito kaganda. Komento ng mga netizen, “dyosa” na raw agad kahit maliit pa lang.

As we all know ay “Dyosa” ang tawag kay Anne kaya naman ang baby niya ang may karapatang magmana ng kanyang korona.

Umani ng papuri si baby Dahlia mula sa mga netizen and celebrity friends ng mag-asawa. Nag-react at nagsipag-comment sina Angel Locsin, sister in-law ni Anne na si Solenn Heussaff, Marian Rivera, Pokwang, Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, Jackie Forster, Bubbles Paraiso, Crystale Belo, Luis Manzano, Vhong Navarro, mag-asawang John Prats at Isabel Oli, Mark Bautista, Karylle, Jolina Magdangal, Coco Martin at marami pang iba.

Naintriga pa ang pagre-react ni Coco (heart eyes emoji, face throwing a kiss and folded hands emoji) dahil tinanong siya ng ilang netizens kung kailan naman daw ang sa kanya. May nag-wish pa na sana raw ay magkaroon din sila ng baby ng leading lady sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Yassi Pressman.

Of course, may nag-mention din sa pangalan ni Julia Montes at inungkat ulit ang isyung may anak na sila ni Coco.

Good thing, may netizen na nagsabing wala raw sa lugar na ungkatin pa sa post ni Anne ang mga issues ni Coco.

Tonite – Wendys Inhouse Ad