Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ni Dolphy pumanaw

0 339

Namayapa na sa edad na 63 ang anak ni Comedy King Dolphy na isa ring dating aktor.

Sa kanyang Instagram account, inanunsyo ni actor-director Eric Quizon ang pagpanaw ng kanyang utol na si Edgar Quizon.

“Farewell Kuya Edgar. May you find peace in heaven. Please hug Dad, Kuya Freddie, Kuya Rolly and Dino for me. You will be missed. We love you. Rest in peace my brother,” sey ni Eric kalakip ang litrato ng yumaong kapatid.

Si Edgar ay anak ni Dolphy sa dating aktres na si Engracita Dominguez.

Ayon sa anak ni Edgar na si Egai , pneumonia ang ikinamatay ng kanyang ama. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.