Abante Tonite Interactive

Anak ni Isko naudlot kina Jillian, Althea

0 1,016

Sayang naman at mukhang hindi pala matutuloy ang pagpasok ng cutie pie na anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sa Kapuso afternoon drama na “Prima Donnas”.

Excited pa naman ang bagets stars ng “Prima Donnas” na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo sa narinig nilang balita na papasok daw sa cast ang 17-anyos na si Joaquin o JD.

Ang chika sa amin ni Althea ay si JD ang alam niyang magiging partner ni Jillian sa serye at tila pag-aagawan nila itong magkapatid.

In fairness ay charming at malakas ang dating ng pangatlong anak ni Mayor Isko. Okey sana ‘yung idea na ‘yon na makaka-love triangle nito ang dalawang Donnas.

Ang sabi sa amin ay hindi matutuloy si JD sa show dahil may conflict daw sa pag-aaral nito.

Stiff daw ang demands ng bagets na weekends lang ito puwedeng mag-taping kung sakali, na mahihirapan naman ang production lalo pa’t daily ang “Prima Donnas”.

Actually, nang makausap namin months ago si JD ay nabanggit sa amin ng tisoy na bagets na tapos na siya ng high school at magka-college na siya, doon pa rin sa Southville International School and Colleges.

Balak niya raw kumuha ng online course para makapag-focus din siya sa pagpasok niya sa mundo ng pag-arte.

Ibig sabihin ay desidido talaga itong mag-showbiz din at sundan ang mga yapak ng amang dating artista.

Kung natuloy siya with his online course, dapat ay mas may time si JD to do showbiz work, ‘di ba? Anyareh at hindi siya natuloy sa “Prima Donnas”?

Bianca, Ruru magbabakasyon

Deserve na deserve ni Bianca Umali ang magbakasyon ngayong tapos na ang trabaho niya sa “Sahaya”.

After more than 5 months ng pagsisipag, pagpupuyat nang walang reklamo at pagpapakahirap sa karakter niyang inaapi-aping Badjaw, kailangan ng sapat na pahinga ni Bianca para ma-recharge siya.

Hindi kami magtataka kung may inihanda nang biyahe ang rumored boyfie niyang si Ruru Madrid para sa kanilang dalawa. Abangan na lang natin sa social media kung may ipu-post sila. Kung hindi man ay tiyak na may makakakita pa rin sa kanila saan man sila magpunta.

Itinuturing ni Bianca na blessing at milestone ang magampanan ang role ng indigenous girl na si Sahaya, na dahil dito ay nainlab siya sa kultura ng mga Badjaw.

Ngayong gabi na ang inaabangang pagtatapos ng epicseryeng “Sahaya” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras”.