Abante Tonite Interactive

Anak ni JC Santos pinasilip na

0 791

NI: RONA RONDA

Ibinahagi ni JC Santos sa kanyang Instagram ang panibagong yugto ng kanyang buhay, ang fatherhood. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinost niya ang larawan nila ng kanyang baby girl.

Sa nasabing larawan, hawak ng aktor ang kanyang baby sa balkonahe para magpaaraw.

“#HomeQuarantine #DaddyDuties Afternoon probinsya air for my little sunshine.Be safe everybody. May this break be a good opportunity for you to take good care of your family. God bless us all,” caption ng aktor sa larawan.

Samantala, matatandaan na nitong Enero ay inamin ng aktor na kasal na siya at magkakaanak na sila. Nakasal siya sa dating schoolmate na si Shyleena Herrera noong September, 2019.