Abante Tonite Interactive

Anak ni kap, 5 pa nalambat sa Cavite buy-bust

By
178

Pitong katao, kabilang ang anak ng bara­ngay captain at dala­wang dati nang nakulong dahil sa iligal na droga, ang naaresto ng mga pulis sa isinaga­wang buy-bust operation sa Brgy. San Francisco, General Trias City, Cavite.

Ayon kay Supt. Paul Bometivo, hepe ng Gen. Trias City Police Station, ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Anthony Mercado; Mark Pulido, 29-anyos, kapwa residente ng Tanza; Ceceno Siago, 53; Ali Guildo, 56, kapwa residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City; Francis John Bondoc, 26; Jerome Glen Malvar, 25; at Jessabel Bongola, 35.

Nabatid na si Mercado ay anak ng isang barangay captain sa Daang Ama 1, Tanza, habang sina Siago at Guildo ay dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Abante Hiring – IT dep

Pinangunahan ng Drug Enforcement Team ng pulisya ang isinagawang operasyon kahapon ng alas-dos ng hapon.

Nakuha sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu, marked money at mga drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong sa Gen. Trias City Custodial Center ang mga nahuli na sasampahan na ng kaso dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.