Abante Tonite Interactive

Anak ni Lito Lapid kay Michelle close na close kay Gen. Pimentel

By
7,752

HINDI maiwasang nababanggit ang dating Sen. Lito Lapid nang napabalita ang pagpapakasal ni Michelle Ortega kay Gen. Greg Pimentel. Hindi naman lingid sa lahat na si Sen. Lapid ang ama ng nag-iisang anak ni Michelle na si Ysabel Ortega.

Mas close nga lang si Ysabel sa kanyang ina, pero okay naman daw sila ng daddy niya. Hindi namin gaanong kilala ang pinakasalan ni Michelle, pero ang pagkakaalam namin ay malapit ito kay Pres. Rodrigo Duterte kaya nga isa ito sa mga tumayong ninong sa kanilang kasal na ginanap sa The Manor Garden sa Camp John Hay sa Baguio kamakalawa ng hapon.

Sabi ni Michelle sa kanilang wedding vow, kaya lalo raw niya itong minahal dahil nakita raw niya na minahal din ni Gen. Pimentel ang kanyang anak na si Ysabel. Iyun daw ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang magpakasal.

Sa loob ng mahigit na isang taon ng kanilang relasyon, naging close rin si Ysabel sa lalaking pinakasalan ni Michelle at parang ama na rin daw ang turing niya sa kanyang Tito Greg.

Sabi niya: “With Tito Greg, I gained another father.”