Abante Tonite Interactive

Anak ni LJ nakakita ng UFO

By
3,073

Pinaniniwalaang nakakita ng UFO o unidentified flying object ang anak ni LJ Reyes na si Aki.

Nakapaskil sa Instagram wall ng aktres nu’ng Lunes ang larawan ng isang panoramic shot ng building at ulap.

Sa isa pang larawan naka-encircle na ang isang maliit na tuldok na siyang sentro ng caption ng Kapuso actress.

Ang ikatlong larawan ay sa kanyang anak na may ginuhit sa papel na isang hugis UFO.

Saad ni LJ sa caption ng mga pinosteng larawan.

@lj_reyes, “On our way to Greenbelt, Aki pointed out something in the sky. He keeps on telling me it’s a UFO and when I zoomed in, it sure does have a weird shape! First time ko makakita ng ganun!!! Aki can’t stop thinking about it he even drew it when we got home. Super weird! What do you think it is???”

Nag-comment ang kasamahan ni LJ sa Kapuso na si Ina Feleo sa post nito.

@ina_feleo, “Whaaat mukha ngang UFO mars”.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang paslit na anak ng isang Pinoy artist ay nakakita ng isang hindi maipaliwanag na lumilipad na bagay sa ulap.

Ang dating aktor na si Roy Alvarez ay nagkaroon ng testimonya na nakakita siya umano ng UFO.

Iba-iba naman ang na­ging reaksyon ng mga follower ni LJ.

@nahsz.breezy, “Ou nga parang UFO?? Tsaka ang laki kasi sa pic.”

@prsinfante, “Omg UFO.”

@jenhermosa, “Drone.”

@kheylmnop, “Baka drone lang po.”

@rare_edu, “Drone surveying.”

@jennifersoberano, “looks like a dark balloon. Natabunan lang ng dark clouds cguro. Sana nag-wish sya nang nakita nya ‘yan. It’s a good sign for him kasi birth month nya.”

@master_yheng0605, “maybe it’s a satellite lower part, joke”.

Wala pang supported news o feed na may iba pang nakakita ng nasabing flying object maliban sa nasabing anak ni LJ.

May isang follower si LJ na nagsabing nakita rin niya ito.

@odriiloo, OMG I SAW THAT TOO!!”

Abs nina Jake, Gerald nagkalat sa Hawaii

Kinabog nina Gerald Anderson at Jake Cuenca ang kamachuhan ni Piolo Pascual at ng iba pang certified Kapamilya hunk na kasama sa ASAP live show sa Hawaii.

Nagkalat ang topless body nina Jake at Gerald sa Hawaii at ang kanilang mga abs.

Parang nagkaroon ng parade ng abs ang dalawang aktor sa pamamasyal nila sa isang lugar sa Hawaii.

Makikita sa Instagram wall ni Jake ang video na naglalakad silang dalawa ni Gerald sa isang outdoor shopping complex na wala silang suot na t-shirt.

May kumuha ng video sa dalawa habang nagla­lakad hanggang sa pagtalikod nila para bumalik.

@juancarloscuenca, “It always gives me the feels when people come up and talk about #tayongdalawa . always a good time kickin it with @andersongeraldjr.”

Nakaw-eksena at atensyon ang video dahil nagpapakita ito ng toned body at abs ng dalawang aktor.

Nag-react naman ang mga kaibigang artista.

@whiamramos (rhian ramos), “hanep sa scoring”.

@josephmarco, (joseph marco), “Wasak!”

@ejaythefalcon (ejay falcon) “#pinoypride”.

Ilan sa mga follower ni Jake ang nagpahayag ng kanilang pagnanasa.

@daolicious, “My God..ansharap nemen”.

@nursehearose, “Kanin na lang kulang mga besh..”

@eirene, “@nursehearose, ay oo nga! Need ko unli rice”.

@angkolet, “extra rice nga mga bes”.

Paniniwalang sinadya ng dalawang aktor ang pagpapakuha ng video ng topless para ipangalandakan ang kanilang fit bod.

Nagtagumpay naman silang mapansin at magpalaway sa mga female at gay follower nila.

Kris ayaw balikan si Bistek

Tinuldukan na ni Kris Aquino ang anumang posibilidad sa pakikipagbalikan kay Mayor Herbert Bautista, base sa sagot nya sa tanong ng isang follo­wer sa Instagram post niya.

@mariuy888, “May chance pa ba na magkabalikan kayo ni HB?”

Hindi nag-atubili si Kris na sagutin ang tanong.

@krisaquino, “@mariuy888 last question I’m answering – I don’t think we ever really began – so, walang balikan…if the question was kung gugustuhin kong to meet HB all over again NO – then the answer would be yes.”

Matatandaang nakumpirma ang tungkol sa nagdaang romantic relationship nila ni Herbert nang diretsahang pangalanan ni Kris ang actor-politician na umano’y nambalewala sa kanya.

Ang rebelasyon ay sinabi ni Kris sa nakaraang grand media launch para sa lalabas na comeback movie ng actress-businesswoman na “I Love You Hater”.

Sa ngayon, burado muna sa priorities ni Kris si Herbert lalo’t palagi niyang inuulit sa kanyang mga post ang mga schedule ng mga gagawin niyang project partikular na ang mga commitment niya sa kanyang mga product endorsement.