Abante Tonite Interactive

Anak ni Martin todo halik, yakap kay Pops

7,724

SA February 10 na gaganapin sa SM MOA Arena ang Valentine concert na #paMORE nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos at Regine Velasquez.

Masayang ikinuwento ng producers nito na sina Anna Puno ng Starmedia Entertainment at Cacai Mitra ng I-Music Entertainment na maaga pa lang ay ubusan na ng mamahaling tickets na Platinum at VIP seats.

Sabi pa nga ng PR nilang si Jun Lalin, nu’ng inilabas daw ang tickets last November, ang dami na raw bumili at ginawa pang Christmas gift ang iba. Kaya, very positive silang another mega hit na naman itong inihanda nilang Valentine concert.

Sa presscon nito kahapon, dumating ang 9-year-old son ni Martin na si Santino. Naloka si Manay Lolit nang niyakap siya nang mahigpit ni Santino. Halos hindi raw siya makahinga sa yakap ng bagets. Ganu’n daw talaga bumati si Santino sabi ni Martin.

Natutuwa nga siyang magkuwento na sobrang close si Santino kay Pops Fernandez. Kapag nakikita raw nito ang Tita Pops niya, hindi na raw ito umaalis, at laging halik nang halik daw ito at nakayakap kay Pops.

Nai-post nga ni Pops sa kanyang socmed account kung gaano rin niya ka-love si Santino. Memorable nga raw kay Martin itong nakaraang celebration nila ng New Year’s eve dahil kumpleto raw ang buong pamilya na sinalubong nila ang 2018.

Nasa Solaire daw sila kasama ng mga anak niya, at nandun din si Pops. Proud si Martin na ibinahagi na kaya rin daw pala nila ang ganu’ng set-up kagaya ng kina Ogie, Regine at Michelle Van Eimeren.

“It’s very Ogie Regine Michelle you know. It did work out perfectly and you know, when you kinda forget the past…even in New Year we were together also.

“It was one of the most magical New Years I’ve ever had,” say ni Martin.

Sabi pa nga raw ni Pops sa kanya; “You know Mart, I remember the days, our days. But I only remember the good days.”

Dagdag na paha­yag ni Martin; “I think that’s a good tip for all those who have been through, what we’ve been through.

“Men if you put your women, your wives through the hell that I put Pops through, and she forgives you. You know that love is really forever.”