Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ni mayor tigok sa trak

0 71

Nasawi ang anak ng mayor ng Lucban, Quezon habang kritikal ang isa pa matapos na parehong masalpok ng isang delivery elf truck ang motorsiklong minamaneho nila sa nasabing bayan, Lunes ng gabi.

Kinilala ng Lucban Police ang nasawi na si Guitahm Oli Salvacion Dator, 17-anyos, anak ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator.

Kritikal naman ang 20-anyos na binata at kaibigan ng biktima na si Sydney Mykel Ramos Saliendra, empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lucban.

Ayon sa police report, nasalpok ng Elf truck na minamaneho ni Brian Abana, 32, residente ng Candelaria, Quezon ang magkasunod na motorsiklo na minamaneho ng dalawa sa isang intersection sa loob ng town proper dakong alas-9:50 ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Base naman sa kuha ng CCTV, papatawid at nasa gitna na ng intersection ng Rizal Avenue at Racelis Avenue ang dalawa nang matumbok ang mga ito ng mabilis na paparating na trak.

Kapwa nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan sina Dator at Saliendra, at agad isinugod sa MMG Hospital Lucban subalit nasawi rin ang nauna makaraan ang halos tatlong oras na nilalapatan ng lunas.

Nananatili namang kritikal at walang malay ang huli dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo.

Samantala, naaresto ng mga pulis ang drayber ng trak at sasampahan ng kaukulang kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.