Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ni Oca Orbos, Arvin Tan i-drug test

0 53

Pinapa-drug test ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Arvin Tan at Franz Orbos, na naging sentro ng balita matapos magwala sa publiko.

Hindi nakaligtas sa pansin ng pangulo ang dalawang insidente ng pagwawala nina Tan at Orbos kaya nais nitong mabatid kung nasa katinuan ang mga ito o bangag sa ipinagbabawal na gamot.

“I have seen the news a recent incident where a certain Arvin Tan resisted arrest by police authorities and led a car chase from Quezon City to Manila damaging several vehicles and injuring many. Have you had the opportunity to bring him to a facility where he can be tested if he is free of drugs?” anang pangulo.

Naganap umano ang pagwawala ni Tan sa isang hotel sa Quezon City at nang rumesponde ang mga pulis ay tumakbo ito at tumakas sa halip na sumuko sa mga awtoridad.

Binanggit rin ng pangulo ang pangalan ni Franz Orbos, anak ni dating Cabinet Secretary Oscar Orbos, na inaresto at kinasuhan ng mga awtoridad matapos murahin ang mga pulis at traffic enforcer sa Muntinlupa City dahil sa simpleng paglabag sa batas trapiko.

Samantala, nauna nang lumabas ang resulta ng drug test kay Arvin Tan na isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD) kung saan ay nagpositibo ito.

Kinumpirma ni Maj. Wennie Ann Cale, QCPD spokesperson ang resulta ng pagsusuri sa urine sample ng suspek. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.