Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak ni Parojinog minanyak ng Colonel

0 378

Sinibak na sa kanyang puwesto at nasa restricted custody ng hepe ng Philippine National Police-Custodial Service Unit (PNP-CSU) dahil sa diumano’y sexual assault nito kay dating Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog na nakakulong the Camp Crame.

Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Ysmael Yu, si PNP-CSU chief Lt. Col. Jigger Noceda ay nahaharap sa kasong rape, acts of lasciviousness, unjust vexation at paglabag sa Safe Apaces Act.

Base kay Parojinog, nangyari nitong Hunyo 9 at Setyembre 7 ang panghahalay sa kanya. Noong una, hinalikan umano siya ni Noceda matapos ipatawag ng opisyal sa opisina nito para ipabatid ang protocol kaugnay sa pagluluwag sa mga bibisita.

Sa pangalawang pagkakataon, muling nag request si Noceda kay Parojinog upang kausapin. Tinulak umano siya ng opisyal sa pader saka hinawakan ang kanyang pribadong bahagi ng katawan.

Nakulong si Parojinog sa PNP custodial center kaugnay sa paglabag sa illegal-drug act at illegal possession of firearms matapos salakayin ng mga operatiba ang bahay nito noong July 2017, kung saan nasawi ang kanyang ama na si dating Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 iba pa. (Allan Bergonia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.