Abante Tonite Interactive

Anak ni Ramon S. Ang kritikal sa St. Luke’s

1,300

Nag-aagaw buhay sa St. Luke’s Medical Center ang anak na lalaki ni San Miguel Corporation (SMC) president ­Ramon S. Ang.

Sa isang mensahe kahapon, nagpasalamat si Ang sa lahat ng nagparating ng suporta at pagmamahal para sa kanyang anak na si Jomar, ang chief financial officer ng RSA Motors na siyang main dealer ng BMW sa Pilipinas.

Hiniling ni Ang na respetuhin ang privacy ng kanilang pamilya at nakiusap na ipagpatuloy pa ring ipagdasal ang kanyang anak sa panahong ito.
Hindi malinaw kung sakit o aksidente ang dahilan kung bakit dinala si Jomar sa ospital. (Eileen Mencias)