Abante Tonite Interactive

Anak ni Rico J inalmahan ng madlang pipol

1,129

TNT hurado bugbog-sarado

Nasa gitna ng k­ontrobersya ang pagkapanalo ng bagong kampeon ng Tawag ng Tanghalan nu’ng Sabado. Nagwagi si Rox Puno, anak ng yumaong Rico Puno.

Inuulan ng batikos mula sa mga netizen, ang segment ng It’s Showtime nan Tawag ng Tanghalan.

Sa episode nitong June 15, tinalo ni Rox Puno ang defending champion na si Justine Narvios.

Trending sa Twitter account na @TNTABSCBN ang himutok at hinaing ng mga netizen. Ginulpe talaga nila ang mga hurado dahil hindi sila sang-ayon sa naging desisyon nina Rey Valera, Ogie Alcasid, Jed Madela, Jaya at Randy Santiago
Sana raw ay hindi na pinasali si Rox dahil anak siya ng dating hurado ng TNT.

Komento ng mga netizen…
@leximontif, “Have some decency itsshowtime. Sana bawal pasalihin anak ng mga hurado. Kasi may conflict of interest. Now parang gets ko na point ni jimmy bondoc tuloy. Biased.”
May mga nagsasabi pa nga na i-boycott na lang umano ang show dahil hindi naman umano ito patas sa ibang contestant.

@yao_mee, “Kahit sa singing contest sa brgy di mananalo ang bagong kampeon nyo, kailangan na ng hearing aid ni Hurado Rey, dapat dyan na gong na una pa lang, aba ipinanalo pa. LUTO.”

@SmitheeeX, “Didnt expect him to win kasi the defending champion was better than him, ?? dahil PUNO? Oh well, what to expect, it’s Pilipinas “
@edwinT_phil, “Seryoso to? Kaya kayo napagbibintangan na may palakasan at luto dahil sa resulta na ganito! Paki explain @ABSCBN at @itshowtime2. Kita naman sa tingin ko na ang layo ng galing nya sa depending champion. Hays.”
@pbbotsotv, “Wag na kayo mag 4th Season ah. Naglolokohan nalang tayo. ??Tapusin nyo nalang ‘tong segment na ‘to!!!??

@JayzonPhilip28 , “Mas maa-ling ung defending.pinagbigyan lng ito at anak ni rico puno. Hirap n hirap kaya pagkanta
Ipinagtanggol naman si Rox ni
@iamJosManzano,” Ayus nman boses nung anak ni rico j. Ah deserve nman nya manalo. Hindi dahil bias yung judge. Nanalo lang kahpon yung
@BarcellanoRuth, “Mas lalo nio lang nilagay sa alanganin yung anak ni rico at mismong sya alam niang si nia deserve manalo.i hate this episode.goodluck sa lunes.”

@pbbotsotv Jun 15, “Kahit si @vicegandako ata nagulat na ‘yan nanalo ea. Jsme ayusin nyo nga pagja judge nyo. Mas maayos pa @idolphilippines Judges mag Judge sa inyo ihh. ??

@titapweety ,”I thought Tawag ng Tanghalan is unbiased and a reputable singing competition. Seeing the results of today’s contest, the judges must be toned deaf and blind. The viewing public saw the results otherwise. Palitan na ang mga judges!!”

@LSanreb Jun 15, “Ohmayghaaaddd, anyareee??? Tinalo nya ang defending champion????? Talaga lang ha????? NaPUNO talaga ng milagro!!!”
Bukas ang pahina ng Abante Tonite sa panig ng pamunuan ng “It’s Showtime” at sa mga hurado. Ano kaya ang paliwanag nila sa batikos ng netizen sa resulta ng TNT?