Abante Tonite Interactive

Anak nina Minhwan-Yulhee kambal na babae

263

Ang mag-asawang sina FTISLAND’s Minhwan and Yulhee ay magiging mommy at daddy na ng kambal!

Sa show na “Mr. House Husband” ay nagkaroon ng surprise reveal kung ano ang gender ng kanilang twins.

Sa January 8 episode ng show, dumating ang ama ni Yulhee para bisitahin ang mag-asawa. At kasabay na rin ng gender reveal, may iniabot ang ama ni Yulhee sa anak na dalawang pink boxes. At saka sinabing, “a gift for my grand daughters.”

Yes, twin girls nga ang magiging anak ng Idols na sina Minhwan at Yulhee.

At sa dalawang twin girls, parehong natupad ang wish ng dalawa. Sa interview ni Yulhee, sinabi nitong, “I silently and vocally hoped for twin daughters. When I learned that they were girls, I thought, ‘I’ve now achieved everything!’ It felt as if I was flying.”

Sabi naman ni Minhwan, “I also silently hoped for daughters. I want to buy them many matching outfits.”

Noong August 2018 nang i-share ng mag-asawa na twins nga ang magiging anak nila. That time pa lang, inulan na sila ng mga congratulatory messages mula sa mga fan at mga kasamahan nila sa industry.

Bago ang twins, may baby boy na sila na ipinanganak ni Yulhee noong May 2018 na nasundan nga agad after few months.