Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak pinatay sa tabi ni nanay

0 478

Todas ang isang 25-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa tabi mismo ng kanyang ina kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si John Patrick Alvear, ng Isabelo delos Reyes St., Barangay 228, habang nakatakas ang apat na suspek na pawang nakasakay ng motorsiklo.

Naganap ang isidente alas-2:45 ng hapon. Ilang kapitbahay ang nagsabing tinanong pa ng mga suspek ang biktima kung siya si Patrick.

Ayon sa ina ng biktima, kitang-kita nito ang pagmamakaawa ng anak pero pinaputukan pa rin ng mga suspek.

Nabatid na apat na buwan pa lamang nakalalaya ang biktima sa Manila City Jail sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.