Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anak sinamahan hanggang kamatayan

0 72

Magkasama hanggang kamatayan ang mag-ama sa Zamboanga City nang parehong malunod makaraang subukang iligtas ng tatay ang 8-anyos na babaeng anak Sabado bago magtanghali sa nabatid na lungsod.

Kinilala ang mag-amang sina Ryan Baraque Matapa, 35, at anak nitong si Ryeanne, 8, kapwa taga-Barangay Tulungatung.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-11:40 ng umaga sa Dumalon river.

Naligo sa ilog ang mag-ama at tumalon sa tubig ang 8-anyos na anak. Hindi nito namalayan na napunta na siya sa malalim na bahagi.

Mabilis namang tumalon sa ilog ang ama upang iligtas ang anak subalit hindi pala ito marunong lumangoy dahilan upang pareho silang lumubog sa ilog at malunod. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.