Abante Tonite Interactive

Anak walang record sa NSO

0 176

Dear Atty. Claire,

Related Posts

Magandang araw po, tanong ko lang po kung puwede ‘yun anak ko na pinanganak noong 2010 na sumunod sa apelyido ko kasi ‘di po kami kasal nu’ng mother n’ya, kasi po hanggang ngayon wala pa po siyang rekord sa NSO ‘yung anak ko. Dati po kasi inaayos ng mother nu’ng anak ko sa munisipyo namin at may dala siyang mga papel na pirmado naming dalawa na ‘di ko tinatanggi na anak ko siya pero ‘di po pumayag du’n sa munisipyo namin at ang sabi daw po du’n kaila­ngan daw po na personal ako na pumunta doon kaso po nasa abrod po ako at hindi na naayos ‘yung problema po namin. Puwede po bigyan n’yo kami ng advice para malaman namin kung ano ‘yung tamang gagawin namin …MERRY CHRISTMAS and a HAPPY NEW YEAR……..
Salamat po,
Gutierrez

Mr. Gutierrez,
Ayon sa ating batas ay maaaring kilalanin ng ama ang bata na isinilang nang walang basbas ng kasal. Ang RA 9255 ang siyang sinusunod natin sa ngayon at ayon sa Rule 8 ay:
8.2 Illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of the mother if no Affidavit to Use the Surname of the Father) AUSF is executed.
8.3 An illegitimate child aged 0-6 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father, if the mother or the guardian, in the absence of the mother, executes the AUSF.
8.4 An illegitimate child aged 7 to 17 years old acknow­ledged by the father shall use the surname of the father if the child executes an AUSF fully aware of its consequence as attested by the mother or guardian .
Kung sinasabi mo na ang bata ay iyong kinilala at may pirma ka sa Acknowledgement ay maaari namang isunod ang apelyido ng bata sa iyo at gagawa lamang ng Affidavit to Use he Surname of the father ang nanay.
Kung kinilala mo ang bata at pirmado ka sa birth certificate ay maa­aring maipangalan ang bata sa iyo kung may AUSF na gagawin ang nanay o guardian ng bata.
Ayon ito sa Rule 9 ng nasabing batas.
Kaya maaaring ayusin ang birth certificate ng anak mo kaya’t simulan ninyo na.
Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/ 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.