Abante Tonite Interactive

Anak walang record sa PSA

LET’S CLEAR IT

By
0 194

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po tanong ko lang po kung pwede yun anak ko na pinanganak noong 2010 na sumunod sa apelyido ko kasi di po kami kasal nun mother nya, kasi po hanggang ngayon wala pa po siyang rekord sa PSA (Philippine Statistics Authority na dating NSO) yung anak ko. Dati po kasi inaayos ng mother nung anak ko sa munisipyo namin at may dala siyang mga papel na pirmado naming dalawa na di ko tinatanggi na anak ko siya pero di po puma­yag dun sa munisipyo namin at ang sabi daw po dun kailangan daw po na personal ako na pumunta doon kaso po nasa abrod po ako at hindi na naayos yun problema po namin. Pwde po bigyan nyo kami ng advice para malaman namin kun ano yung tamang gagawin namin .

Salamat po,
Gutierrez

Mr. Gutierrez,

Ayon sa ating batas ay maaaring kilalanin ng ama ang bata na isinilang nang walang basbas ng kasal. Ang RA 9255 ang siyang sinusunod natin sa ngayon at ayon sa Rule 8 ay:

8.2 Illegitimate child acknowledged by the father shall use the surname of the mother if no Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF) is executed.

8.3 An illegitimate child aged 0-6 years old acknowledged by the father shall use the surname of the father, if the mother or the guardian, in the absence of the mother, executes the AUSF.

8.4 An illegitimate child aged 7 to 17 years old acknow­ledged by the father shall use the surname of the father if the child executes an AUSF fully aware of its consequence as attes­ted by the mother or guardian.

Kung sinasabi mo na ang bata ay iyong kinilala at may pirma ka sa acknowledgement ay maaari namang isunod ang apelyido ng bata sa iyo at gagawa lamang ng Affidavit to Use the Surname of the Father ang nanay.

Kung kinilala mo ang bata at pirmado ka sa birth certificate ay maaaring maipangalan ang bata sa iyo kung may AUSF na gagawin ang nanay o guardian ng bata. Ayon sa Rule 9 ng nasabing batas:

9.1.2 With Affidavit to Use the Surname of the Father
a. If Affidavit of Admission of Paternity at the back of the COLB is executed and an AUSF is executed by the mother or the guardian, in the absence of the mother, or the person himself, the child shall be registered under the surname of the father. There shall be no annotation on the COLB. However, there shall be annotation on the Remarks Column of the Register of Births as follows :

Acknowledged by (name of father) on (date of execution of the Affidavit of Admission of Paternity) pursuant to RA 9255.

b. If Affidavit of Admission of Paternity is executed in a separate public document, and an AUSF is executed by the mother or the guardian, in the absence of the mother, or the person himself, the child shall be registered under the surname of the father. There shall be an annotation on the COLB/ROB and on the Remarks Column of the Register of Births as follows:

Acknowledged by (name of father) on (date of execution of the Affidavit of Admission of Paternity) under (Registry No. of the Affidavit of Admission of Paternity) pursuant to RA 9255.

c. If a Private Handwritten Instrument is executed and an AUSF is executed by the mother or the guardian, in the absence of the mother or the person himself, the child shall be registered under the surname of the father. There shall be an annotation on the COLB/ROB and on the Remarks Column of the Register of Births as follows:

Acknowledged by (name of father) under (Registry No. of the Private Handwritten Instrument) pursuant to RA 9255.

Kaya maaaring ayusin ang birth certificate ng anak mo kaya’t simulan niyo na.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624/922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com