Abante Tonite Interactive

Anakalusugan No. 7 sa nationwide party-list survey

198

Nakopo ang top 7 ng party-list na Anakalusugan sa isinagawang nationwide survey ng Smart Poll and Media Trend Setter sa mga tumatakbong party-list sa bansa.

Ang Anakalusugan (mula sa Alagaan Natin Ating Kalusugan) ang nag-iisa at natatanging party-list group na tumakbo para sa darating na midterm elections na nagsusulong ng adbokasiya ukol sa kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino at kinakatawan ni dating Sec. Mike Defensor.

Sa non-commissioned survey ng Smart Poll and Media Trend Setter na may 15,000 respondents at isinagawa mula Abril 27-May 5, lumitaw na 3.28% ng mga botante ang nagsasabing boboto sila sa Anakalusugan.

Lumitaw kamakailan lang ay nasa No. 5 spot sa Luzon party-list survey naman ang Anakalusugan sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. na ginanap noong Abril 22-27, 2019.

Ang nakakuha ng u­nang spot sa nationwide survey ay ACT-CIS (Anti-Crime and Terro­rism Through Community Involvement and Support) na may 8.90 percent voter preference. Bayan Muna party-list, 6.42%. Ako Bicol party-list 5.82%, Senior Citizens 4.30 % .

Ang iba pang party-list groups na pumasok sa top 11 spot ay ang CIBAC – 3.62 points; Magsasaka 3.40%; Anakalusugan 3.28%; Ang Probinsiyano 2.84%; TUCP – 2.57; 1PACMAN – 2.43%); Gabriela – 2.30% at Probinsiyano Ako – 2.28%.