Abante Tonite Interactive

Anakbayan kinasuhan sa recruitment ng estudyante

525

Nahaharap nga­yon sa patong-patong na kaso ang ilang opisyal ng grupong Anakbayan dahil sa pagkawala ng ni-recruit nilang isang seni­or high school student.

Sa pagdinig kahapon ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Senador Ronal ‘Bato’ dela Rosa, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) de­puty director for admi­nistration Brig. Gen. Bernabe Balba na isinumite na nila ang reklamo sa Department of Justice noong Agosto 1.

Tinukoy ang mga kinasuhan na sina Charie del Rosario, Bianca Gacos, Jayroven Villafuente Balais, Anakbayan national president Vencer Crisostomo, at secretary general Einsten Recedes.

Inakusahan sila ng kidnapping; paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003; Special Protection of Children Against Child Abuse; Exploitation and Discrimi­nation Act; Philippine Act on Crimes against International Humanitarian Law; genocide at iba pa. (Dindo Matining)