Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Analyn ‘sinulot’ si Sanya

0 641

NI: VINIA VIVAR

Unti-unti nang sumisikat ang Kapuso actress na si Analyn Barro na isa sa cast ng First Yaya. In fact, sa pilot episode pa lang ng nasabing seryeng pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion ay umingay na agad ang mga eksena niya bilang si Gemrose.

Sa pilot episode kasi ay ipinakitang nabuntis ng boyfriend ni Yaya Melody (Sanya) si Gemrose (kapatid niya) kaya galit na galit ang mga viewers sa karakter ni Analyn.

Mainstay rin si Analyn sa Bubble Gang at dito siya talaga mas naunang nakilala bilang isa sa mga ‘babes’ at ‘pampainit’ sa gag show. BInansagan nga siyang Crush ng Bayan dahil sa post niya noon sa Instagram kung saan ay tanging bula lamang ang tumatakip sa kanyang private parts. Sobrang pinag-usapan ang larawan niyang ito at talagang pinagpantasyahan ng mga male fans niya.

Well, may “K” naman talagang maging Crush ng Bayan si Analyn. Bukod sa kanyang magandang mukha ay well-endowed ang Kapuso talent na isa sa kanyang mga assets. Bukod dito ay matalino rin siya at nakatapos ng degree (Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management) noong 2019 sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz.

Nagsimula sa showbiz si Analyn noong 2015 nang maging contestant sa 6th season of Starstruck and from there ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang career.

Leave A Reply

Your email address will not be published.