Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Analyn type pasabunot

0 467

NI: ROLDAN CASTRO

Katakam-takam si Analyn Barro sa kanyang mga post sa Instagram. Pinagpapantasyahan siya ng mga barako tuwing nasisilip ang kanyang alindog.

Pero , pag napapanood siya sa First Yaya, gusto siyang sapakin dahil sa kanyang maldita role. Wala raw galang bilang kapatid ni Melody (Sanya Lopez).

Related Posts

“ Kung kapatid ko ‘yan, masasabunutan ko talaga . Makakatikim talaga siya ng mag-asawang sampal. Walang respeto. Nakakagigil siya,” reaksyon ng isang blogger.

Nakatikim talaga ng galit si Analyn sa kanyang role bilang si Gemrose. Effective talaga siya sa kanegahan niya.Tila gusto niyang pasabunot sa mga televiewer.

Si Analyn ay produkto ng Season 6 ng Starstruck ng GMA. Mahusay siyang umarte kaya marami na siyang show na nilabasan sa Kapuso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.