Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ancajas ‘babawi’ kay Marcial

0 207

Malaki ang naitulong ni 2020 Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial sa tagumpay ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

Napanatili nito lang Linggo ng Pinoy champ ang kanyang titulo sa ikasiyam na pagkakataon via unanimous decision win kay Mexican Jonathan Rodriguez sa Uncasville, Connecticut.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya naman hindi pa babalik ng ‘Pinas ang IBF king, mananatili muna sa United States upang tulungan naman si Marcial na maging sparring mates din sa paghahanda naman sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa dating na July 23-August 8.

“Mag-stay pa muna kami rito dahil tutulungan pa namin si Eumir sa preparations niya sa Olympics,” ani Ancajas na susukli lang ng utang na loob sa kapwa Mindanaoan athlete na inasistehan siya sa preparasyon kay Rodriguez. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.