Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ancajas bagong bituin ng boksing

0 38

Hindi na akma ang Pretty Boy.

Ito ang tingin ni veteran boxing analyst Atty. Ed Tolentino para kay Jerwin Ancajas.

Para sa Pinoy analyst, dapat ay ‘MAN’ na ang alyas ni Ancajas dahil sa dami na ng narating nito.

“Para sa akin si ‘Pretty Boy’ [Jerwin] Ancajas kailangan hindi na pretty boy, dapat he must be the MAN this year – huwag ng pretty boy, he has to be the MAN,” pahayag ni Tolentino sa Power & Play ni Noli Eala.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Hinirit din nitong si Panabo-pride Ancajas na ang dapat magbitbit ng sulo ng bansa dahil matagal na rin nitong hawak ang IBF super flyweight title.

“I believe he is in the best position to carry the torch for Philippine pro-boxing. He is our longest reigning champion since September 2016. This will be his 10th title defense kontra kay Fernando Daniel Martinez ng Argentina,” sey pa ni Tolentino.

Tiniyak rin ni Tolentino na liyamado sa darating na Enero 22 si 30-anyos Jerwin (31-1-2) dahil swak ang istilo nito laban sa Argentine boxer na si Martinez (13-0-0).

“He should be favored this coming January 22 fight kasi ‘yung Daniel Martinez medyo swak sa estilo ni Jerwin,” panapos ni Tolentino. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.