Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ancajas tuloy ang depensa

0 161

Ipagtatanggol ni International Boxing Federation super flyweight champion Jerwin Ancajas sa pang-10 pagkakataon ang korona laban sa wala pang tatlong si Fernando Martinez ng Argentina sa Pebrero 5 o 19 sa Gila River Arena sa Glendale, California.

Ang Argentinian challenger ang magiging kapalit ni World Boxing Organization Kazuto Ioka ng Japan na makaka-unification fight sana ng Pinoy boxer sa bisperas ng Bagong Taon sa Tokyo. Pero kinansela ang 12-round fight dahil sa pag-lockdown ng pamahalaan laban sa Omicron variant.

Nakapagdepensa na rin ng titulo si Ioka via unanimous decision win sa humaliling kababayang si Ryoji Fukunaga noong Disyembre 31 sa Ota City General Gymnasium. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.