Abante Tonite Interactive

Andanar kay Mocha: She’s very unique

By
527

Hindi nagsisi si Pre­sidential Communications Operations office (PCOO) Secretary Martin Andanar na naging bahagi ng kanyang tanggapan si dating Undersecretary Mocha Uson sa kabila ng pagiging kontrobersiyal nito.

Sinabi ng kalihim na naging effective naman ang opisyal sa kanyang naging trabaho at nagi­sing nito ang kamalayan ng publiko sa mga isyung dapat pag-usapan.

Nakuha aniya ni Uson ang atensiyon ng social media kaya minsan ay nagiging kontrobersiyal ito sa ilang isyu.

Abante Hiring – IT dep

“I think—well, in hindsight, I think Mocha was effective in what she was doing. In fact, she was able to direct opi­nion in the public and that’s — I mean, she’s very unique. She’s one assistant secretary that we’ve never had before in government, in its enti­rety,” ani Andanar.