Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andanar nagpa-COVID test

0 200

Kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na sumailalim siya sa coronavirus disease (Covid-19) matapos magkaroon ng exposure sa isang infected employee sa kanyang tanggapan.

Sinabi ni Andanar na siya at ang 49 personnel sa PCOO ay nagpa-COVID-19 test nang ang isang empleyado sa Office of Global Media and Public Affairs na nasa kanyang opisina ay nagpositibo sa virus.

Ang resulta ng kanyang COVID19 test ay ilalabas sa Sabado o Linggo.

“Nagpa-swab ako kahapon. Doon malalaman ko, hopefully, within 48 or 72 hours. Sana naman ay negative,”ayon kay Andanar. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.