Abante Tonite Interactive

Andanar sa mga basher: Harapin niyo ako

By
495

Nasagad ang pasen­siya ni Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kanyang mga kritiko at mga basher kayat hinamon ang mga ito na magharap sila ng personal.

Sa kanyang programa sa government radio station, sinabi ni Andanar na walang batayan ang mga banat sa kanya at mga kasamahan na wala silang ginagawa sa PCOO.

Inimbitahan ng kalihim ang kanyang mga basher pati na rin ang ilang anchor sa radio at television na magtungo sa Philippine Information Agency para makita ang mga bagong broadcast facilities na nabili sa ilalim ng Duterte administration.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi ako takot sa inyo. Hindi nakatago ang buntot ko sa inyo sapagkat I know that we are doing our best sa PCOO para maayos yung ating Communications programs, infrastructures.

Yung nagpapadala ng hate messages, let’s call it our final encounter, magkita-kita tayo doon sa PIA broadcast facilities and I will show you the changes. And you can direct to me your problem with the PCOO, even the other anchors na panay ang banat sa PCOO at panay ang banat sa ating mga kasamahan because it’s about time that I stand up for all of my colleagues in the bureacracy and ipapakita ko sa mukha ninyo kung ano yung mga pagbabago na ginawa sa PCOO,” ani Andanar.

Kung noon ay sisinghap-singhap ang mga broadcast facilities ng gobyerno, sinabi ni Andanar na ito ay sa dahilang pinabayaan ito ng mga nakalipas na administrasyon.