Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andi ‘di pa nag-sorry kay Albie

0 132

NI: ARCHIE LIAO

Kahit meron na siyang dalawang anak at may paparating pa sa partner na si Philmar Alipayo, hanggang ngayon daw ay hindi pa nagso-sorry si Andi Eigenmann sa kanyang ex na si Albie Casino.

Ito ang naging pagbubunyag ni Albie nang tanungin siya ng isang netizen sa Kapamilya World Online.

Sa twitter kasi nang i-anunsyo ni Andi ang kanyang ikatlong pagbubuntis, inurot siya ng isang netizen sa pagsasabing: “Nag-sorry ka na ba kay Albie? Charot.”

Sumagot naman si Albie sa kanyang Instagram story at sinabing :”Hindi pa” na may kasamang crying emojis.

Matatandaang taong 2011, nang pumutok ang balitang si Albie ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi.

Katunayan, siya ang nadiin noon sa isyu pero sa kalaunan ay nabunyag na si Jake Ejercito pala ang ama ni Ellie, ang panganay ni Andi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.