Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andi humihingi ng ayuda sa Siargao

0 255

Sunod-sunod ang paghingi ng tulong ni Andi Eigenmann kahapon dahil nga sa lubhang apektado ng super-typhoon na Odette ang Siargao.

Good thing nga ay nandito sila ng kanyang mga anak sa Manila nang dumapo ang malakas na bagyo sa kanilang isla.

Sa update sa kanyang IG Stories, ayon kay Andi ay down daw ang communication lines ng Siargao at nagre-request ang mga tao na maayos ito.

“All communication lines are down. We are requesting the Philippine Coast Guard and the Armed Forces of the Philippines to commission a flight by chopper or plane to Siargao to establish communications in order to get an update and assessment of the situation after the onslaught of Typhoon Odette.

“We will give you updates the soonest possible time,” ang nakasaad sa IG Story ni Andi.

Worried din si Andi na hindi niya makontak ang mga mahal niya sa buhay sa Siargao kabilang na ang magulang ng fiancé niyang si Philmar Alipayo.

“24 hours and still sitting at the edge of our seats. We left our homes, our loved ones – @chepoxz parents, relatives, our family and our friends. Please Lord let them be safe. Please pray for Siargao,” post pa ni Andi.

Obvious na kumikilos din si Andi para matulungan ang mga ka-isla. Aniya sa sumunod na post niya, “residents of Siargao who are currently not on the island are arranging for planes to land some people like doctors, and 500-1000 lbs. of cargo filled with relief goods to land in Siargao.”

She added, “please take a look at my following posts on where to send cash/in kind donations for this. Thank you very much!”

Ipinost din ng aktres kung saan pwede mag-donate at kung ano ang mga kailangan ng mga tao sa Siargao tulad ng blankets, pagkain, face masks, bottled water, atbp.

Base na rin sa previous posts ni Andi, few days ago ay lumipad siya pa-Manila kasama ang tatlong anak para dumalo sa kasal ng kanyang best friend at para madalaw na rin ang kanyang inang si Jackklyn Jose. Nakasaad sa post niya na hindi niya kasama si Philmar kaya hindi namin alam kung nakasunod ba ito sa Manila or nasa Siargao pa rin ngayon.

SM food to go Banner Ad

@@@

Robin sabik sa pamilya

Dahil tumatakbo ngang Senador si Robin Padilla sa 2022 election, lagi raw itong wala sa bahay ngayon .Dahil dito, sobrang nami-miss siya ng kanyang pamilya and vice versa.

Sa latest IG post ni Binoe ay ipinahayag niya ang pangungulila sa dalawa nilang anak na babae ni Mariel Rodriguez na sina Isabella at Gabriella.

“Everyday i miss my girls, the joy and laughter that they bring, the love in their eyes that fills my wild heart, the sweetness of their smile that erases all my physical pain, the magic of their touch and words that spell and define unconditional love.

“Their purest love that does not betray and hurt. The greatest love of all,” ang saad ng post ni Binoe.

Kahapon ng umaga ay muling nag-post si Robin at aniya ay 3 oras lang ang tulog niya.

“3 hours sleep kailangan ng magbiyahe, masuerte na ang makapag stretching, no training, hindi ko nakain ang dinner dahil half cooked red meat. fastfood breakfast. all that i love and fought for, straight to the bin,” ani Binoe.

Nag-post din si Mariel na umuwi raw for a few days si Robin at sobrang na-miss daw ng kanilang mga anak ang ama.

“He was home for a few days and the kids missed him so much. They never left his side. It was so nice to watch,” ani Mariel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.