Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andi nag-sorry na kay Albie

0 114

NI: ARCHIE LIAO

Ayaw pa ring tantanan si Andi Eigenmann sa nakaraan nito kay Albie Casino.

Isang netizen kasi ang sinisisi ang aktres sa muntik nang pagkasira ng buhay at karera ng actor nang idiin nito noon na ito ang ama ng ipinagbubuntis niyang panganay na si Ellie na anak pala ni Jake Ejercito.

Ani jennyrosea.laurencio kay Andi: “Ms. @andieigengirl baka naman gusto mo na po mag sorry kay Albie pagkatapos ng ginawa nyo po sakanya nuonkahit na matagal na iyon deserve nya parin naman po makatanggap ng public apology or kahit personal man lang.. .People hated Albie (@thestallion09 ) to death, at kamuntikan ng masira ang buhay at career nya dahil sayo,maraming nawalang project sa kanya,halos nasa peak sya ng career nya loveteam with Kath pero nawala lahat ng iyon nasira dahil sa false accusation… Dahil duon kinaylangan nya na naman ulit magsimula ulit mula umpisa..Pero kung iisipan napakabait ni Albie dahil pagkatapos ng ginawa nyo sakanya, di nya parin nagawang sampahan kayo ng kaso.. kahit yata halos patayin na sya sa bugbog nuong mga araw na yun tama ba ko?”

Deretsahan namang sinagot ni Andi ang netizen na nag-tag sa kanya at iginiit na noon pa man ay nag-sorry na siya kay Albie.

Resbak ni Andi: “Not that i owe you any sort of explanation, but since you’re the only one that has tagged me in this, i actually already have. (You can ask him that too.) you and the rest of the public are not aware, because i never owed you that apology. I owed that to him. “You see, It’s one thing not to have given forgiveness. That’s something i can’t control. but it’s also another thing to say otherwise.” “I think the fact that Ive been blessed to have such a wonderful life after everything is enough proof that I’ve grown to become far different from the person i once was. My past struggles have taught me that we can never really please everybody. That no matter what,there will always be people like you who will be quick to judge others w/o knowing their story.”

Binanggit din ni Andi ang umano’y physical abuse na naranasan niya sa piling ng ex.

“There will always be those who will see only what they want to, and hear only what they want to. (Did any of you even remember that the root of this controversy was because i was physically abused? Right. I dont think so. But you know what? im ok with it.) “This is exactly why I found my happiness living away from the limelight, and all the constant judgment from people you don’t even know. People who’s opinions should never have mattered. But did. It still did. Because I was only human. Through all this ive learned that kindness is key no matter what. And that has definitely done me so much good. You obviously dont know me, so you probably wouldn’t know. Nevertheless I want you to try that too. I know times have been tough on us all lately. But it always, always pays to be kind.”

Umepal naman ang fan account ni Harlene Nicole ‘Hipon Budol.

Comment niya sa IG ni Andi .” Albie deserve a public apology fr what you and your friends done, public humiliation but private sorry?Hahha!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.