Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andi nagtinda sa ukay-ukay

0 140

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ipinakita ni Andi Eigenmann ang kanyang simpleng pamumuhay sa Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa.

Titled A Week in Our Island Life, makikita ring kasama nila ang panganay niyang anak kay Jake Ejercito na si Ellie.

Sa vlog ay makikitang nagtanim si Andi ng cilantro seeds at pagkatapos ay namasyal sila sa island na na-stranded pa sila sa daan dahil tumirik ang kanilang sasakyan. Simpleng-simple.

Nakakatuwa rin ang ginawa nilang pagtitinda ng kanyang mga preloved clothes sa ukay-ukay.

“Matagal ko nang magkaroon ng purpose ‘yung mga preloved clothes namin. Alam ko maraming ibang makikinabang and of course it is better for the environment if I can see nga na papass-on ko siya,” pagbabahagi ni Andie.

Sey pa ng aktres medyo nahihiya raw siyang magbenta ng old clothes and good thing, nag-set-up ng fundraiser ang friend niya with Isla Medical Foundation para matulungang i-improve at pagandahin ang kanilang health center and daycare sa Siargao.

“Ayun! So naisip ko na para hindi naman sayang ang mga binayad ng mga local, sa kanila ko na rin ibabalik yung mga na bigay nila kaya ilalagay natin sa health center yung earnings,” sey ni Andi.

Nakakatuwa ngang tingnan si Ellie na masayang tumutulong sa ina niya na i-sort out ang mga pre-loved clothes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.